Philippine Information Agency
23 Feb 2021, 22:38 GMT+10
LUNGSOD NG MALOLOS, Pebrero 23 (PIA) -- Dalawang heritage houses na tinirahan ng ilan sa mga Kadalagahan ng Malolos ang isinaisailalim sa preserbasyon, rehabilitasyon at restorasyon upang muling magamit sa ilalim ng konseptong "adaptive reuse".
Iyan ang ibinalita ni Mayor Gilbert Gatchalian sa pagdiriwang ng Ika-132 Taong Anibersaryo ng Pagsulat ni Jose Rizal sa mga Kadalagahan ng Malolos.
Tinatayang nasa 10 milyong piso ang ginugugol ng mamumuhunan na nakabili sa mga bahay na ipinipreserba.
Deklaradong isang heritage town ng National Historical Commission of the Philippines ang Kamistisuhan District, na kinatatayuan ang mga matatandang bahay na tinirahan ng angkan ng mga Kadalagahan ng Malolos.
Kaya't ipinagbabawal na gibain ang orihinal na istraktura ng mga natukoy na heritage houses kahit ito man ay mag-iba ng may-ari.
Ayon kay Women of Malolos Foundation Inc. President Vicente Enriquez, nabatid nilang ang dating tinirahan ni Leonor Reyes ay gagawing bed and breakfast facility habang isang restaurant naman ang balak sa katabi nitong naging bahay ni Alberta Santos Uitangcoy.
Kaugnay nito, sa programang pang-alaala na ginanap sa bagong City Hall ng Malolos, binigyang diin ni Enriquez na ang isa sa mga aral na iniwanan ng mga Kadalagahan ng Malolos ay matuto ang mga karaniwang mamamayan, lalo na ang kabataan, na unahing mahalin ang Dios at ang bayan na higit sa sarili.
Sinabi niyang nang magpetisyon ang may 21 Kadalagahan ng Malolos sa noo'y Spanish Governor General Valeriano Wayler, nasa 12 hanggang 28 anyos ang edad ng mga kadalagahan noong Disyembre 12, 1888.
Nilalaman ng nasabing petisyon ang kanilang paggigiit para sa kanilang karapatan na makapag-aral at makapagbukas ng paaralan. (CLJD/SFV-PIA 3)
Get a daily dose of Pakistan Telegraph news through our daily email, its complimentary and keeps you fully up to date with world and business news as well.
Publish news of your business, community or sports group, personnel appointments, major event and more by submitting a news release to Pakistan Telegraph.
More InformationWASHINGTON D.C.: Compromising with moderates, President Joe Biden and Democrats agreed to tighten the requirements for those eligible to receive ...
ANN ARBOR, Michigan: Some 375 University of Michigan students have been banned from entering school buildings because they have not ...
PARIS, France: The French government will not require residents of the Paris region to be locked down this weekend. However, ...
LARISSA, Greece: Central Greece was struck by a magnitude 6.0 earthquake on Wednesday, which was also felt in nearby Albania ...
WASHINGTON D.C.: In a bid to create a much greater supply of Coronavirus vaccines, the White House has announced that ...
AUSTIN, Texas: Texas Governor Greg Abbott announced that beginning next week face masks will no longer be needed to be ...
CUPERTINO, California: Apple announced on Monday that all 270 of its store locations in the U.S. have officially opened for ...
Zoom Video Communications' fourth-quarter results trumped forecasts of moderate growth following its meteoric rise in 2020, with revenues surging 369 ...
BENGALORE, India: The Covid vaccine manufactured by Bharat Biotech has been found to be 81 percent effective, in an analysis ...
NEW YORK, New York - U.S. stocks rallied on Friday following the release of positive economic data.U.S. employers added 379,000 ...
Subscriptions to Walt Disney Company's Disney+ streaming service surpassed initial estimates, primarily owing to adults from households with no children ...
DUBLIN, Ireland - The Bank of Ireland plans to close some 100 branches, as customers increasingly perform banking transactions online.Bank ...